Loading...

Painitin ang kawali o wok sa katamtamang init. Idagdag ang 1/4 cup cooking oil.

Igisa ang bawang at 1 buong sibuyas na tinadtad sa mainit na mantika.

Kapag mabango na ang bawang at sibuyas, idagdag ang 1 cup diced patatas at 1 cup diced carrots. Igisa ang mga ito.

Kapag naprito na ng bahagya ang patatas at carrots, idagdag ang 1 cup shitake mushrooms.

Pagkatapos ng dalawang minuto, idagdag ang 2 hanggang 3 cups tubig at 1/4 cup toyo.

Kapag kumukulo na ang pinaghalong sangkap, idagdag ang 1/2 cup pasas. Ipagpatuloy ang pagpapakulo hanggang lumambot ang carrots at patatas.

Idagdag ang 70 grams tomato paste at durog na paminta. Ihalo ito ng mabuti hanggang matunaw ang tomato paste.

Pakuluin muli ng ilang minuto bago idagdag ang 1 piraso ng bell pepper. Hanguin at ihain.