Loading...

Ihanda ang buong manok. Siguraduhing malinis at tuyo ito.

Timplahan ang manok sa labas at loob ng asin at paminta.

Ipasok ang dinurog na bawang, hiniwang sibuyas, at pinalo-palong tanglad sa loob ng butas ng manok. Siguraduhing masiksik ang lahat ng aromatics sa loob.

Talihan ang manok upang manatili sa loob ang mga aromatics habang niluluto.

Ilagay ang tinimplahan at nilamang manok sa isang malaking ziplock bag. Idagdag ang toyo at katas ng calamansi. Isara nang mahigpit ang bag at i-marinate sa refrigerator nang isang araw (24 oras). Kung hindi agad lulutuin, maaaring ilagay sa freezer. Ilipat sa refrigerator isang araw bago lutuin para matunaw.
Kapag handa nang lutuin, ilagay ang manok sa air fryer. I-air fry sa 180°C sa loob ng 40-50 minuto. Maaaring baligtarin ang manok sa kalagitnaan ng pagluluto para pantay ang pagkaluto.

Habang nag-a-air fry ang manok, ihanda ang pambasta. Paghaluin ang natitirang marinade liquid at mantika (chicken oil o vegetable oil).
Basta-bastahan ang manok ng pinaghalong marinade at mantika habang niluluto sa air fryer. Gawin ito ng ilang beses upang maging mas malasa at hindi matuyo ang manok.

Kapag luto na, alisin ang Lechon Manok sa air fryer. Hayaan itong magpahinga ng ilang minuto bago hiwain at ihain. Maaaring samahan ng sawsawan.